Home NATIONWIDE Isa sa pinakamataas na rating sa governance survey, tinanggap ni Nartatez

Isa sa pinakamataas na rating sa governance survey, tinanggap ni Nartatez

28
0

MANILA, Philippines – Malugod na tinanggap ni Jose Melencio Nartatez Jr., hepe ng Philippine National Police (PNP), ang resulta ng pinakabagong nationwide “Boses ng Bayan” Index of Governance (IOG) survey ng RPMD Foundation Inc. kung saan kinilala siya bilang isa sa mga pinakamataas ang rating na opisyal ng gobyerno.

Sa survey na isinagawa noong Abril 1 hanggang 8, 2026 sa 5,000 respondents, nakakuha si Nartatez ng 78.8% governance score, 78.5% trust rating, at 79.1% performance rating.

Ayon kay Nartatez, ipinapakita ng resulta ang malakas na suporta ng publiko sa kampanya ng PNP para sa kapayapaan at kaayusan at sa mga repormang isinusulong sa ilalim ng administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr..

“The recent governance and trust ratings are a welcome affirmation of the hard work of every police officer in the field. This is not a personal achievement but a reflection of the collective efforts of the Philippine National Police in serving the public with integrity and professionalism,” aniya.

Nagpasalamat din siya sa tiwalang ipinakita ng publiko at nangakong patuloy na pagbubutihin ang serbisyo, palalakasin ang pananagutan, at titiyakin na ang bawat aksyon ng pulisya ay makatarungan at may paggalang sa karapatang pantao.

“We thank the public for their trust. We take this as a continuing responsibility to improve our service, strengthen accountability, and ensure that every police action reflects fairness, respect for human rights, and genuine public service,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Nartatez na magpapatuloy ang mga reporma sa pamamagitan ng mas pinalakas na community policing programs at mas mahigpit na accountability mechanisms upang mapanatili ang kredibilidad at tiwala ng publiko.

Inatasan din niya ang mga kaukulang yunit ng PNP na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga barangay at palakasin ang internal disciplinary measures upang mapanatili ang tiwala ng mamamayan at mapabuti ang pangmatagalang pagganap ng organisasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here