CAMP LT. ROSAURO TODA JR, CITY OF ILAGAN, Isabela – Bilang pagtalima ay nakiisa Isabela Police Provincial Office (IPPO) sa sabayan selebrasyon ng 31st PNP Ethics Day na may temang: “Serbisyong May Integridad at Pananagutan, Tungo sa Ligtas at Mapayapang Pilipinas” na isinagawa sa naturang kampo ng pulisya.
Pinangunahan ni PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng IPPO ang aktibidad kaalinsabay ng Monday Flag Raising and Awarding Ceremony kaninang umaga, Enero 6, 2025.
Sa naturang seremonya at nakagawian ay tampok ang pagbibigay pagkilala sa mga personnel mula sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lalawigan para sa kanilang natatanging accomplishments.
Ang PNP Ethics Day ay nagsisilbing paalala sa kapulisan ng mga katangiang kanilang dapat taglayin na gagabay sa pagtupad ng kanilang sinumpaang tungkulin sa kanilang mandato ay para maprotektahan ang bawat Isabeliño upang mamintina ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan. REY VELASCO