MANILA, Philippines – Muling tinusta ang probinsya ng Isabela sa mataas na heat index o aabot sa 43 degrees Celsius nitong Lunes, Abril 21, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Bilang tugon, ipinag-utos ni Isabela Governor Rodolfo Albano III ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa buong probinsya, hindi kasama ang Santiago City.
Sakop ng suspensyon ang kindergarten, elementary, at secondary classes sa pampubliko at pribadong paaralan.
Ang heat index na 42°C hanggang 51°C ay itinuturing na nasa “danger” category o may mataas na banta ng heat stroke.
Bagamat nagsuspinde ng klase, karamihan sa mga estudyante ay wala na talang pasok partikular sa pampublikong paaralan. RNT/JGC