Home HOME BANNER STORY ‘Isang kembot na lang’ Gatchalian bloc, malapit nang maging 13 – Bam

‘Isang kembot na lang’ Gatchalian bloc, malapit nang maging 13 – Bam

3
0

MANILA, Philippines – Malapit nang maging 13 ang miyembro ng grupo ni Senador Sherwin Gatchalian upang tuluyan nang mahalal bilang senate president, ayon kay Senador Bam Aquino.

Ilang araw nang nagkakaroon ng deadlock sa Senado dahil tumanggi si Senate President Alan Peter Cayetano na bumaba sa puwesto hangga’t walang 13 ang bilang ng bagong mayorya alinsunod sa 1987 Saligang Batas.

Ginamit ng grupo ni  Gatchalian ang desisyon ng Supreme Court noong 1949 sa kasong Avelino v. Cuenco na naghalal ng bagong senate president ang labing-dalawang miyembro ng Senado noon.

Nagkaroon ng 12 miyembro ng Gatchalian bloc matapos tumawid si Senador Francis “Chiz” Escudero kaya’t nahalal ang una bilang Senate President Pro-Tempore kapalit ni Senador Loren Legarda.

Pero, mahigpit na tintutulan ng grupo ni Cayetano ang pagkakahalal kay Gatchalian dahil labag ito sa Saligang Batas, Senate Rules at Bibliya.

Sa panayam ng ANC, sinabi ni Aquino na malapit nang makakuha ng panibagong miyembro ng bloke ni Gatchalian upang makamit ang 13 kaialngan sa paghalal ng bagong Senate president.

Hindi binanggit ni Aquino ang pangalan ng senador ngunit, malakas ang ugong sa paligid ng Senado na nakatakdang kumalas sa Cayetano bloc sina Senador Joel Villanueva at Camille Villar.

Kapwa may kinahaharap na kaso sina Villanueva sa flood control at Villar sa stock manipulation at insider trading sa Securities and Exchange Commission(SEC).

Ayon kay Aquino, maaaring magbago ang bilang ng Gatchalian bloc sakaling magpatawag ng special session si Pamgulong Ferdinand Marcos Jr., para sa supplemental budget para sa lindol sa Mindanao. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here