Pitong araw bago ang nakatakdang halalan, naglabas ang Pulse Asia Research, Inc. ng survey kung saan ipinakitang maluluklok sa kongreso ang TRABAHO Partylist (bilang 106 sa balota).
Malugod na tinanggap ni Atty. Mitchell Espiritu, tagapagsalita ng 106 TRABAHO Partylist, ang resulta ng survey.
Ang lalo pang pag-angat ng 106 TRABAHO Partylist bilang rank 25 mula sa dating pwesto nito na rank 29 ay resulta ng kanilang taos-pusong representasyon sa mga manggagawa na naramdaman at nakita ng publiko sa kanilang mga isinagawang grassroots campaign mula Luzon hanggang Mindanao.
“Ang 106 TRABAHO Partylist ay hindi lamang magiging boses ng manggagawang Pilipino, kundi magiging sandigan nila upang magsulong ng mga programang tutugon sa kanilang mga hinaing at pangangailangan,” pahayag ni Espiritu.
Ipinakita rin ng Pulse Asia na kabilang ang 106 TRABAHO sa tinatayang 46 party-list na mahahalal sa kongreso sa ilalim ng party list system batay sa parehong survey na isinagawa mula Abril 20 hanggang 24, 2025.
Para sa grupo, maliban sa pagreporma ng provincial wage rates, ang mga investment sa imprastraktura at pagpaparami ng trabaho ay dapat umaabot maging sa mga rehiyon sa labas ng NCR upang hindi na kailanganin mapalayo ng mga manggagawa sa kanilang mga pamilya.
Sa kabuuan, ang plataporma ng 106 TRABAHO ay nakatuon sa pagsusulong ng kalidad na trabaho, patas na oportunidad, sapat na sahod, karagdagang mga benepisyo, at maayos na kondisyon sa pagtatrabaho. RNT