DAHIL sa mga pinaggagawa niya, napilitan ang mga kongresista na magsuspetsa at maging detached sa fiscal agenda para sa susunod na taon ng tanggapan nang ayaw makipagtulungang si Vice President Sara Duterte-Carpio.
Maging ang karamihan sa mismong mga naghalal sa kanya sa puwesto ay nagtataka na rin kung bakit iniiwasan niya ang mga tanong tungkol sa kung paano ginastos ng Office of the Vice President ang pondo nito.
Ang depensa ni Inday Sara na naghahanap lang daw ng mga dahilan ang mga kritiko niya sa Kamara para masampahan siya ng kasong impeachment ay lalo lamang nagkompromiso sa kanyang posisyon. Bakit — niya sinasabi na may impeachable sa paraan niya ng paggastos sa pondo ng bayan?
Sa kabila ng nauna niyang depensa at ng pagsusumite niya ng mga kinakailangang dokumento, pinagbintangan si Duterte na umiiwas daw sa pagbusisi sa kanyang pondo, tumatambak tuloy ang mahahalagang katanungan tungkol sa transparency na nananatiling walang kasagutan.
Kung nagtatangka siyang mag-stonewalling ng kaso ng impeachment bago pa man ito magsimula, naniniwala akong bumalik sa kanya at nakasama pang lalo ang pinaplano niya: bumagsak siya sa test of character.
Higit pa sa pagpapalakas ng suspetsa na may itinatago ngang anomalya, ang pagtanggi ni VP Sara na sagutin ang mga pag-uusisa sa kanyang pondo ay isang pambabalewala sa karapatan ng publiko na malaman kung saan napupunta ang buwis na binabayaran nila kapag napasakamay na niya ito.
Hindi rin naman siya nakapuntos para sa OVP nang ipinaubaya niya na lang basta ang kapalaran ng budget ng kanyang tanggapan sa desisyon ng Kongreso, batay sa kanyang malamya, kung hindi man hungkag, na pagtatanggol dito. Pumalya siya sa responsibilidad niyang paglingkuran ng OVP ang mamamayan – at sobrang kahiya-hiya ito.
Ang OVP ay isa na ngayong tanggapan na underserved at kasunod nito, pinaka-undeserved.