Home NATIONWIDE Ischemic heart disease, number 1 killer ng Pinoy!

Ischemic heart disease, number 1 killer ng Pinoy!

Ang tatlong pangunagahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pinoy noong nakaraang taon, ay nananatiling ischemic heart disease, tumor growth at cerebrovascular disease kabilang ang stroke, ayon sa local statistics agency.

Sa isang ulat, sinabi nito na ang mga pagkamatay dahil sa ischemic heart disease – ang paghina ng puso na dulot ng pagbawas ng daloy ng dugo sa puso – ay umabot sa 122,027, 18.8% ng 647,893 na pagkamatay na nakalista noong nakaraang taon.

Ang mga neoplasma o tumor ang pangalawa sa pinakamataas na sanhi ng kamatayan na may 69,449 o 10.7% ng kabuuan, na sinusundan ng mga sakit sa cerebrovascular na may 65,224 o 10.1%.

Kabilang sa limang nangungunang sanhi ng pagkamatay ay diabetes mellitus sa 41,056 o 6.3% at pneumonia sa 40,082 o 6.2%.

Sa hiwalay na ulat, sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang birth, death, at marriage rates ng bansa ay bumaba ng 7.6%, 4.7% at 13.3%, na magkasunod mula 2022.

Bumaba naman sa 1.3 milyon mula sa 15 milyon ang Philippine births noong 2023 habang ang namamatay o deaths ay bumaba sa 647,893 mula 679,766. Bumagsak ang mga pagkakasal sa 389,673 mula sa 449,428. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)