Home METRO Isda sa Taal, ligtas; boodle fight isinagawa

Isda sa Taal, ligtas; boodle fight isinagawa

322
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng boodle fight ang lokal na pamahalaan ng Laurel, Batangas nitong Miyerkules upang ipakitang ligtas pa ring kainin ang isda mula sa Lawa ng Taal sa kabila ng nagpapatuloy na paghahanap sa nawawalang mga sabungero.

Pinagsaluhan nina Mayor Lyndon Bruce at mga opisyal ang inihaw na bangus at tilapia mula sa lawa.

“Ito yung bangus na galing sa Lawa ng Taal, at ito naman ang tilapia—napakasarap at sariwang-sariwa,” sabi ni Bruce.

Aminado ang alkalde na bumagsak ang demand para sa isda simula nang magsimula ang paghahanap, na nagdulot ng malaking pagkalugi sa mga mangingisda.

Pitong araw nang nagpapatuloy ang search operation kung saan limang sako na ang narekober mula sa lawa gamit ang divers at remotely operated vehicle. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here