Home NATIONWIDE Iskedyul ng F2F oath-taking ng bagong CPAs, civil engineers alamin

Iskedyul ng F2F oath-taking ng bagong CPAs, civil engineers alamin

494
0

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) noong Lunes ang petsa at venue ng in-person mass oathtaking ng bagong certified public accountants (CPAs) at civil engineers.

Ang oathtaking ng bagong CPAs ay gaganapin sa July 7 sa Cagayan de Oro, July 10 sa Cebu City, July 8 sa Davao at July 11 sa Bacolod.

Samantala, ang  bagong civil engineers ay manunumpa sa General Santos sa July 7.

Dahil ang mass oathtaking ay face-to-face, ang mga manunumpa ay hinihiling na magdala ng alinman sa vaccination card, negative reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR), o antigen COVID-19 na resulta ng test na kinuha 48 oras bago ang seremonya.

Ang inductees ng civil engineer ay kinakailangang magsuot ng Barong Tagalog at Filipiniana.

Bukod dito, dapat dalhin ng mga dadalo ang kanilang “oath forms” na may quick response (QR) code na isusumite sa oras ng event upang kumpirmahin ang pagdalo.

Para sa mga pumasa na hindi makadadalo sa in-person mass oathtaking, sinabi ng PRC na maaari silang dumalo sa online na seremonya o humiling ng isang espesyal na appointment.

Ang online na seremonya ay iaanunsyo kapag nakumpirma na ang iskedyul.

Maaaring magpatuloy ang mga civil engineer inductees sa kanilang inisyal na pagpaparehistro sa pamamagitan ng pag-book ng appointment sa website nito simula sa Hulyo 10 pagkatapos ng oathtaking ceremony.

Ang mga CPA naman ay maaaring magsimulang i-secure ang kanilang appointment pagkatapos mismo ng seremonya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here