MANILA, Philippines- Napag-alaman ng mga pulis na kabilang ang dalawang puganteng Taiwanese sa mga nasagip na workers mula sa raid sa isang establisimiyento sa Las Piñas City kamakailan, ayon sa Philippine National Police (PNP) – Anti-Cybercrime Group (ACG) nitong Lunes.
Bukod sa kanila, iniulat din ng PNP na apat na Chinese fugitives ang nadiskubre rin mula sa mga empleyadong nasagip sa raid.
“During the June 26, 2023 police operation, where thousands of individuals were rescued, four Chinese and two Taiwanese fugitives were discovered,” pahayag ng ACG.
Sinabi ng na ACG natukoy ang anim na pugante sa tulong ng foreign embassies sa dokumnetasyon ng kani-kanilang citizens at cross-matching ng kanilang records.
Ikinasa ng mga awtoridad ang search warrant sa compound sa Las Piñas sa umano’y human trafficking situation.
Iniulat ng mga pulis na may 1,534 Pilipino at 1,190 dayuhan ang nasagip mula sa raid. Base kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, mayroong 17 foreign nationalities na sangkot.
Habang nakauwi na ang libong Pilipino sa kani-kanyang tahanan, hindi pa pinapakawalan ang mga dayuhan dahil patuloy pa ang dokumnetasyon ng mga natitirang mangagagawa, base kay Fajardo.
“Law enforcement authorities have gathered personal information for the remaining one thousand-plus foreign nationals, who will be turned over to the Bureau of Immigration for proper disposition and repatriation process,” sabi ng ACG.
Nitong June 30, sumailalim ang limang Chinese sa inquest proceedings sa Department of Justice saManila sa paglabag sa Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 at Cybercrime Prevention Act of 2012.
Samantala, itinanggi naman ng kompanyang sinalakay, ang Xinchuang Network Technology, ang pagkakasangkot sa human trafficking.
Iginiit ni Atty. Christian Vargas, legal counsel ng kompanya, na lehitimo ang negosyo ng kompanya, at kinokonsidera ng mga may-ari nito ang paghahain ng reklamo laban sa mga pulis sa raid. RNT/SA