Home NATIONWIDE Isko agad kumilos sa pagpapatupad ng pangmatagalang drainage master plan

Isko agad kumilos sa pagpapatupad ng pangmatagalang drainage master plan

218
0
Sa unang Flag Raising ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagozo, inilatag niya at sinigurong sa mga kawani ng Manila City Hall na susulosyunan ito bagaman may kinakaharap na suliranin sa pananalapi ang lungsod na sasahod ika-30 ng buwan.Humingi din si Isko, kasama si Bise Alkalde Chi Atienza ng tulong sa mga empleyado na maglingkod sa mamamayan ng Maynila upang maibangon ang pagkakalugmok ng Lungsod. Crismon Heramis

MANILA, Philippines – UPANG hindi na maranasan ng susunod na henerasyon ng mga Manilenyo ang malawakang pagbaha, nais ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na madaliin ang pagpapatupad ng drainage master plan.

“Hindi lang ito pagtupad sa tungkulin natin na tiyakin ang kapanatagan at kaligtasan ng taumbayan. Ito rin ay pamana natin sa mga susunod na henerasyon ng Batang Maynila,” pahayag ni Domagoso.

Batay sa ipinasang master plan ni Domagoso kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nangangailangan itong pondohan ng P140 bilyong piso sa dalawang bahagi na pamamaraan para sa pangmatagalang diskarte sa pagpapabuti ng drainage system at pagpapahusay ng catchment at tunnel systems na layong madagdagan ang kapasidad, mapabilis ang daloy ng tubig-ulan at mabawasan ang pagbaha sa mga kritikal na lugar.

Kabilang sa plano ay ang pag-upgrade ng catchment ang pagpapalaki ng mga tubo, paggawa ng mga bagong culverts, pagsasaayos ng mga manholes at pag-upgrade o paglalagay pa ng mga pumping stations.

Nabatid na sa ngayon ay 24 sa kabuuang 72 pumping stations sa Metro Manila ang nasa Lungsod ng Maynila na kailangan pang dagdagan ng 15 pa na nakasaad sa drainage master plan. Uunahing magtayo ng catchments sa mga malapit sa ospital, paaralan, sentro ng transportasyon, at mga tanggapan ng pamahalaan habang magdaragdag naman ng tangke at malalim na tunnel na magiging imbakan ng tubig ulan.

Ayon kay Yorme, gumagawa sila ng panandaliang hakbang para maibsan ang pagbaha kabilang ang pagsasaayos ng mga daluyan ng tubig, pagkukumpuni at pagpapalakas ng pumping stations, paglilinis at declogging nga mga drains at manholes upang mapabilis ang paghupa ng baha, pagkukumpuni ng catch basins, at pagwawasto ng mga profile ng drainage sa mga choke point.

Matatandaan na nito lamang Setyembre 18, 2025 ay ibinigay ni Yorme ang kopya ng drainage master plan ng lungsod kay Pangulong Marcos Jr. matapos itong aprobahan ng Sangguniang Panlungsod, halos apat na taon makaraang simulan itong balangkasin ng alkalde sa una niyang termino.

Matapos tanggapin ng Pangulo, sinabihan niya ang alkalde na makipag-ugnayan na sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para ito mapasimulan na. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here