Home NATIONWIDE P1.3M shabu narekober sa Laguna, Quezon

P1.3M shabu narekober sa Laguna, Quezon

313
0

MANILA, Philippines – Apat na hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot ang naaresto, matapos na makumpiskahan ng droga na may kabuuang halaga na P1.3 milyon sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation, nitong Huwebes, Setyembre 18 sa Calamba, Laguna at Gen. Nakar, Quezon.

Ang apat na suspek na pawang nasa kustodiya ng pulisya ng Calamba City, Laguna at Gen Nakar, Quezon hinggil sa kinakaharap na kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act 2002) na kapwa nakilala sa alyas na Rolly, Eric, Marsi at Lisa na kapwa kabilang sa drug list ng pulisya na high value individual at street level individual.

Sa isinumiteng report sa tanggapan ni PBGen. Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO4 Calabarzon, naunang naaresto sa buy bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Gen Nakar Police Station Drug Enforcement Team, dakong ala-1:40 ng hapon kung saan nadakip ang suspek na si Alyas Rolly na itinuturing na high value individual at Alyas Eric na kabilang sa Street Level Individual.

Narekober sa kanila ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang may timbang na 102.38 gramo na may standard drug price na P696,184.00.

Samantalang kasunod na inaresto ng Calamba Component City Drug Enforcement Team sa Barangay Pansol Calamba City, Laguna ang suspek na sina alyas Lisa at Marsi ng dakong alas-4:40 ng hapon kung saan ang mga suspek na pawang nasa drug list na high value individual ay nakuhanan ng dalawang pirasong heatsealed transparent plastic sachet na naglalaman umano ng ilegal na droga na humigit kumulang sa 100 gramo na may standard drug price na halagang P680,000.00.

Nabatid sa ulat na ang mga narekober na iligal na droga sa dalawang magkahiwalay na buy- bust operation sa lungsod mg Calamba, Laguna at Gen. Nakar Quezon ay may kabuuang halagang P1,378,184.00.

Ayon kay PBGen. Kenneth T. Lucas, kung saan binigyan diin nito ang kahalagahan ng masusing pagpaplano ng operasyon at pakikipagtulungan ng komunidad para sa matagumpay na kampanya laban sa ilegal na droga.

“Ang ating mga accomplishment ay bunga ng pinalakas na kampanya laban sa ilegal na droga sa pamamagitan ng masusing operasyon, edukasyon, at pakikipagtulungan sa komunidad at mga lokal na pamahalaan sa CALABARZON, alinsunod sa 7-Point Agenda ng Chief PNP na naglalayong palakasin ang anti-illegal drugs campaign at pagbutihin ang relasyon ng pulisya at komunidad,” ani PBGen Lucas. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here