Manila, Philippines- Isa si Isko Moreno sa mga nalungkot nang isapubliko mismo ni Dr. Willie Ong ang kanyang karamdaman.
Ong, 60, is suffering from abdominal cancer, having been diagnosed with sarcoma.
Naging malapit sa isa’t isa sina Isko at Doc Willie nang maging runningmates sila noong national elections in 2022.
Isko ran for President habang for VP naman ang tinakbuhan ni Ong.
Balitang nagpapagamot sa Singapore ngayon si Ong na nakuha pang magbigay ng kanyang health update sa kanyang hospital bed.
Earlier, sinabi ni Ong na posibleng stress ang dahilan ng pagkakaroon niya ng naturang sakit.
Dala na rin daw ‘yon ng sobrang pamba-bash na inabot noong tumakbo siya para sa VP post.
In his latest update, inamin niyang hirap siyang uminom ng tubig dahil na-block ang kanyang esophagus.
Tinapat din niya ang kanyang mga bashers kung ano ang naging kasalanan niya sa mga ito.
“If you continue to pray for me, malamang gumaling ako. But if you continue to hate me gayong mahal ko naman ang aking bayan, that will kill me!” aniya.
Ong also took a swipe at certain corrupt politicians.
“Wala na akong ikinatatakot. Anyway, I’m dying. Natanggap ko na,” giit niya.
Balitang bumiyahe si Isko pa-Singapore para dalawin doon si Ong.
Anito’y overnight trip lang daw ‘yon.
Patuloy na nanghihingi ng panalangin ang dating Manila City mayor para sa paggaling ni Ong.
Kung inyong nasusubaybayan, Ong’s vlogs are about different illnesses and how these can be dealt with. Ronnie Carrasco IIi