Home ENTERTAINMENT Pacquiao family, emosyunal sa pag-alis ni Princess!

Pacquiao family, emosyunal sa pag-alis ni Princess!

Manila, Philippines- Sa dialect nilang Visaya, Jinkee Pacquiao took to Instagram her family’s collective sentiment sa pag-alis ng kanyang anak patungong London.

Nagkaroon nga ito ng pa-send off party ng kanyang mga magulang.

Pag-aaral sa kabisera ng England ang pakay ni Princess, ang panganay na babae nina Manny at Jinkee.

The couple has four other children: Jimuel, Michael, Queenie and Israel.

Ang pinakamalungkot of all Princess’ siblings ay si Queenie.

Mismong si Jinkee na ang nagbahagi sa IG na mula’t sapul ay malapit sa isa’t isa ang dalawang magkapatid.

Princess already turned 17 in October last year.

Pero tiyak namang uuwi ito sa Pilipinas in time for her 18th birthday next month, depending on her schedule in school.

Hindi binanggit ni Jinkee kung anong kurso sa kolehiyo ang kukunin ni Princess.

Since she’s carrying the name Pacquiao, tiyak na makikilala agad sa campus si Princess.

Sa ngayon, sinasanay na ni Jinkee na hindi kasama ang anak sa kanilang tahanan, but she’s happy na unti-unti nang makakamit ni Princess ang kanyang pangarap.

Expect na may British accent na rin kung magsalita si Princess na tunog royalty ang pangalan! Ronnie Carrasco III