Home NATIONWIDE Mga barko ng China sa WPS, nabawasan

Mga barko ng China sa WPS, nabawasan

184
0

MANILA, Philippines – Bumaba ang bilang ng mga barko ng China na namataan sa iba’t ibang features ng West Philippine Sea (WPS), kung saan karamihan dito ay nananatili sa Sabina Shoal, sinabi ng Philippine Navy (PN) nitong Martes, Setyembre 17.

Sa latest monitoring, sinabi ng Navy na kabuuang 157 Chinese vessels ang namataan sa WPS mula Setyembre 10 hanggang 16, may pagbaba mula sa 207 barko na naitala mula Setyembre 3 hanggang 9.

Kabilang sa naturang bilang ang 123 Chinese Maritime Militia Vessels (CMMVs), 26 China Coast Guard Vessels (CCGVs), pitong People’s Liberation Army Navy (PLAN) warships at isang Chinese Research and Survey Vessel (CRSV).

Animnaput lima sa mga ito ang nagkukumpulan sa Sabina Shoal, 52 ang CMMVs, apat ang PLAN ships at siyam ang CCGVs.

Samantala, 32 barko ng China ang namataan malapit sa Pagasa Island, 31 rito ang barko ng Chinese Maritime Militia, at isa ang barko ng China Coast Guard.

Mayroon ding 18 barko ang namataan sa Bajo de Masinloc, kung saan walo rito ang barko ng Chinese Maritime Militia, anim ang barko ng China Coast Guard, tatlong PLAN ships at isang CRSV.

May kabuuang 17 barko naman ang naitala sa Ayungi Shoal, 10 ang CCGVs at pito ang CMMVs habang may 17 CMMVs ang nakita sa Iroquois Reef.

Walong CMMVs naman ang namataan sa Lawak at Panata Islands. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here