Home METRO Isko nangunguna pa rin sa pagka-mayor ng Maynila

Isko nangunguna pa rin sa pagka-mayor ng Maynila

0
Isko nangunguna pa rin sa pagka-mayor ng Maynila

MANILA, Philippines- Nananatiling nangunguna batay sa pinakahuling resulta sa isinagawang survey si dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kung saan wala nang dalawang linggo ay gaganapin na ang 2025 mid-term election sa Mayo 12.

Batay sa inilabas na survey ng OCTA Research nitong Martes, na isinagawa nitong Abril 22 hanggang 23, nakakuha ng 63% na voter preference si Domagoso mula sa anim na distrito ng Lungsod ng Maynila.

Malayo ito sa mga nakuhang porsyento ng kanyang mga katunggali na sina incumbent Mayor Honey Lacuna na 18%, Sam Versoza na 16% at Raymond Bagatsing na 1%.

Bagama’t tumaas ng 3% mula sa kanyang dating rating na 15% si Mayor Lacuna, nananatili pa rin na nasa margin of error ito na +/-3% sa OCTA Research survey.

Lumalabas sa pinakahuling survey na kahit pagsamahin pa ang nakuhang rating nina Lacuna at Versoza, malayo pa rin ito para makahabol o makadikit man lang sa mataas na rating ni Domagoso lalo na’t nakuha niya ang suporta ng mga botante sa lahat ng anim na distrito ng lungsod.

Bitbit ng dating alkalde sa kanyang plataporma ang pagbabalik ng kalinisan, disiplina, at kaayusan sa kapitolyo ng bansa.

Nagpasyang tumakbo at labanan ni Domagoso si Lacuna bunga ng hiling ng maraming Manilenyo na maibalik muli ang kalinisan, kaayusan, at kapayapaan sa lungsod upang makilala ang Maynila bilang mahusay at magaling na lungsod. JR Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here