Home NATIONWIDE Kadete mula sa OrMin namayagpag sa ‘Sinaglawin’ Class of 2025 ng PNPA

Kadete mula sa OrMin namayagpag sa ‘Sinaglawin’ Class of 2025 ng PNPA

0
Kadete mula sa OrMin namayagpag sa ‘Sinaglawin’ Class of 2025 ng PNPA

MANILA, Philippines- Pinanguhan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang pagtatapos ng 206 kadete sa 46th Commencement Exercises “Sinaglawin” Class of 2025 na ginanap sa Camp General Mariano Catañeda, Silang, Cavite.

Bukod kay PBBM, dumalo rin si PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, DILG Secretary Jonvic Remulla, PMGen Christopher C Birung, Silang Mayor Edward E Carranza, PCO Secretary Jaybee Cruz at Cdt Lt Marc Joseph Vitto, na katuwang ng presidente sa pagbibigay ng karangalan para sa Top 10 na may mga Special Awards ng PNPA Sinaglawin Class 2025.

Nanguna ang (Top 1) na taga-Oriental Mindoro na si Police Cadet Marc Joseph Lacatan Vitto kung saan tatanggap din ito ng Special Award na Presidential Kampilan at Journalism Kampilan Awards. Bukod dito, may Special Academic Awards din itong makukuha bilang Best in Forensic Science and Best in General Education.

Ang ikalawang karangalan ay nakuha naman ng isang babae na mula sa lalawigan ng Tacloban City na si Police Cadet Kristina Aragoncillo Acidre. Tatanggap din ito ng Vice Presidential Kampilan Awards at Best in Laws and Jurisprudence and Best in Public Safety Admistration.

Tatlong Caviteño rin ang kasama sa may 206 na magtatapos na sina P/ Cdt Armstrong Rolando VII Dignos na taga-Dasmarinas City, P/ Cdt Ferolino Biency Joshua Del Rosario na taga-Indang, Cavite at P/ Cdt Fullero Adrian Nathan Villanueva ng Trece Martires City, Cavite.

Mensahe ng Pangulo: “Kayong SINAGLAWIN CLASS 2025 ang magdudulot ng pagbabago at gaganap sa ating kapulisan.” Margie Bautista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here