Home METRO Iskul, bahay ng mayor sa NegOcc sapul ng sunog!

Iskul, bahay ng mayor sa NegOcc sapul ng sunog!

BACOLOD CITY- Winasak ng sunog ang isang paaralan at tahanan ni Mayor Renato Gustilo at kanyang lolo sa Ylagan Street, San Carlos City sa Negros Occidental bandang alas-3 ng hapon nitong Biyernes, Hunyo 14.

Sinabi ni Gustilo, nasa Manila siya nang sumiklab ang sunog, kung saan nagsimula umano ang insidente sa Daisy’s ABC School Foundation sa Ylagan Street at kumalat sa mga kalapit na compound kung saan matatagpuan ang kanyang ancestral home at bahay ng yumao niyang lolo.

Inihayag ng alaklade na nakita ng kanyang 31-ayos na anak na nagliliyab ang paaralan at humingi ng tulong dahil papalapit ang sunog sa kanilang bahay. Nakaligtas naman ang kanyang anak at iba pang kasama sa bahay bago masunog ang kanilang tahanan at bahay ng kanyang yumaong lolo, si Simplicio Ongbontic, base kay Gustilo.

Naapula ang apoy bandang alas-6:12 ng hapon, ayon sa disaster risk reduction and management office ng lungsod.

“Everything was destroyed,” malungkot na pahayag ni Gustilo.

Inihayag ng alkalde na kailangan niyang maghanap ng matitirhan nila ng kanyang pamilya pag-uwi niya sa San Carlos.

“At least I still had some clothes in his suitcase,” giit ni Gustilo. RNT/SA