ISRAEL – Umabot na sa 400 katao ang nasawi sa mga pag-atake ng Israel sa Gaza na nagbabanta sa pagbawi sa dalawang buwang tigil-putukan.
Ayon sa Israel, layunin nitong pigilan ang Hamas na muling lumakas, habang inaakusahan naman ng Hamas ang Israel ng paglabag sa kasunduan.
Inutusan ni Prime Minister Benjamin Netanyahu ang matinding opensiba matapos tumangging palayain ng Hamas ang natitirang bihag.
Ang mga pambobomba ay tumama sa mga tahanan at kampo, na nagdulot ng sapilitang paglisan ng mga sibilyan.
Patuloy ang negosasyon, ngunit nananatiling tensyonado ang sitwasyon. Mula nang magsimula ang digmaan noong 2023, mahigit 48,000 na ang namatay sa Gaza. RNT