Home NATIONWIDE Israel, nagpahayag ng pakikiramay sa pagkasawi ng Pinay sa missile attack

Israel, nagpahayag ng pakikiramay sa pagkasawi ng Pinay sa missile attack

154
0

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pakikiramay ang Embahada ng Israel sa Maynila nitong Martes sa pamilya ng 29-anyos na Filipina na si Lucille Jane Gershovich, na nasawi sa missile attack sa Haifa, Israel.

Nasawi si Gershovich kasama ang kanyang Israeli husband na si Dmitry Gershovich at mga biyenan na sina Vladimir Gershovich at Lena Ostrovsky.

“Two generations of one family were killed in this attack, another stark reminder that the Iranian regime continues to target civilians indiscriminately,” saad ng embahada.

“Israel stands in profound solidarity with the bereaved family and the Filipino community, and shares in the grief over the loss of a Filipino life. We mourn together and honor their memory with dignity,” dagdag pa sa abiso.

Nauna nang sinabi ng Department of Foreign Affairs na inaayos ng Pilipinas ang pinakamaagang posibleng repatriation ng labi ni Lucille Jane sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon sa paglalakbay sa rehiyon.

Siya ang ikalawang Filipino national na nasawi sa missile attack sa Israel mula nang sumiklab ang sigalot sa Middle East.

Noong Pebrero 28, nasawi rin ang Filipina caregiver na si Mary Ann de Vera matapos tamaan ng shrapnel mula sa Iranian missile strike habang sinasamahan ang kanyang matandang ward patungo sa isang shelter sa Tel Aviv. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here