Home NATIONWIDE ITCZ, easterlies magpapaulan sa bansa

ITCZ, easterlies magpapaulan sa bansa

98
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ang maulap na kalangitan at pag-ulan sa buong bansa ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao, Eastern Visayas, at Palawan, na posibleng magdulot ng flash flood o pagguho ng lupa dulot ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa, may posibilidad ng panaka-nakang pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.

Katamtaman hanggang mahina ang hangin, at banayad hanggang katamtaman ang karagatan sa buong bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here