Home OPINION CELEBRITIES NANALO SA NAGDAANG 2025 NATIONAL AT LOCAL ELECTIONS

CELEBRITIES NANALO SA NAGDAANG 2025 NATIONAL AT LOCAL ELECTIONS

MARAMI-RAMING personalidad, partikular sa entertainment industry, ang sumabak sa 2025 National and Local Elections na ginanap nitong May 12, 2025.

Bagaman nagpapatuloy pa ang ginagawang national can­vassing ng Commission on Elec­tions (COMELEC) sa mga posisyon ng senador at party-list representatives ay natitiyak na ang panalo nina Erwin Tulfo (4th), Tito Sotto (8th), at Lito Lapid (11th) sa pagka-senador.

Habang nasa mahigit isang milyon ang lamang ni re-electio­nist senator Imee Marcos (12th) kay Ben Tulfo (13th) at senador Bong Revilla (14th). Nasa mala­yong puwesto na rin sina Jimmy Bondoc (17th), dating senador Manny Pacquiao (18th), Phillip Sal­vador (19th), at Willie Revillame (22nd).

Matagumpay ang pagbaba­lik-gobernadora ni star for all seasons Vilma Santos-Recto sa lalawigan ng Batangas habang ang bunsong anak na si Ryan Christian Recto bilang kongresista ng 6th district. Nabigo na­man si Luis Manzano para sa posisyon ng bise gobernador na tinalo ni incumbent governor Do­do Mandanas.

Nagwagi rin ang dating ABS-CBN reporter at kongresista na si Sol Aragones bilang gobernadora ng Laguna, tinalo niya ang dating aktor at kongresista ng Sta. Rosa na si Dan Fernandez.

Mananatiling gobernador at bise gobernador ng Bulacan sina Daniel Fernando at Alex Castro. Habang pasok sa pagi­ging provincial board member ng Tarlac si Arron Villaflor.

Patuloy na magsisilbi bilang kinatawan ng 1st district si Arjo Atayde, si Ralph Tulfo ng 2nd district, si Franz Pumaren sa 3rd district, at 4th district si Bong Suntay, lahat sa Quezon City, at 4th district, Leyte si Richard Gomez, habang nanalo rin si Lucy Torres-Gomez bilang mayor ng Ormoc City.

Wala namang kalaban si 2nd district, Cavite representative Lani Mercado-Revilla gayundin si Ram Revilla bilang bise gobernador, at si Jolo Revilla bi­lang kongresista ng 1st district.

Matagumpay ang pagbabalik sa lungsod ng Maynila ni Isko Moreno na dinaig sina Tutok-To-Win party-list representative Sam Verzosa at Raymond Ba­gat­sing. Natalo naman si Yul Ser­­vo Nieto ng ka-tandem ni Mo­reno na si Chi Atienza.

Nanguna bilang konsehal sa 1st district, Manila si Joaquin Domagoso, anak ni Moreno, ga­yundin si Angelu de Leon sa Pasig City at si Lou Veloso.

Panalo rin bilang mga konsehal sina Alfred Vargas at Aiko Melendez sa 5th district, Quezon City; Kiko Rustia sa Pasig city; Michael Pacquiao sa Gene­ral Santos City; beauty queen Leren Bautista sa Los Baños, Laguna; Cai Cortez ng Taytay, Rizal; Jaycee Parker ng Angeles City, Pampanga; Yeoj Marquez at Allen Tan ng 1st district, Pa­ra­ñaque City.