Home NATIONWIDE ITCZ, easterlies magpapaulan sa Pinas

ITCZ, easterlies magpapaulan sa Pinas

MANILA, Philippines- Magdudulot ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at ang easterlies ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan sa bansa ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Makararanas ang Visayas, Zamboanga Peninsula, at MIMAROPA ng maulap na kalangitan na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ na may nakaambang flash floods o landslides sakaling magkaroon ng “moderate to at times heavy rains.”

Inaasahan naman sa Bicol Region at Quezon ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa easterlies na may nababadyang flash floods o landslides sakaling makaranas ng “moderate to at times heavy rains.”

Sa Mindanao, magkakaroon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa ITCZ na may posibilidad ng flash floods o landslides tuwing severe thunderstorms.

Makararanas naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies na may posibilidad ng flash floods o landslides tuwing severe thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa Luzon ay light to moderate patungong east to southeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sa Visayas at Mindanao, inaasahanang light to moderate wind speed patungong south to southeast direction na may slight to moderate coastal waters.

Sumikat ang araw ng alas-5:32 ng umaga at luulubog ng alas-6:30 ng hapon. RNT/SA