Home NATIONWIDE PBBM kay Angara: ‘Take care of teachers’

PBBM kay Angara: ‘Take care of teachers’

MANILA, Philippines- Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si incoming DepEd Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara na alagaang mabuti ang mga guro at tiyakin na mapakakain ng mga guro ang kanilang pamilya. 

Ito ang marching order ni Pangulong Marcos kay Angara bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).

“So, I said, we have to take care of the teachers. We have to, of course, financial[ly] to make sure that they can feed their families. Kasi we tend to forget sometimes that teachers have families,” paliwanag ng Chief Executive nang tanungin ng mga mamamahayag sa sidelines ng pamamahagi ng financial assistance sa Sulu, araw ng Biyernes, kung ang pagkakatalaga kay Angara ay nangangahulugan ng pagbabago ng polisiya sa departamento.

“Maybe a little bit,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“We see them just as teachers. They have families and they have to take care of their families. And they cannot teach properly kung inaalala nila ‘yung lagay ng pamilya nila so we have to make sure that they are in good place so that the teachers can concentrate on actual teaching,” dagdag niya.

Isiniwalat din ng Punong Ehekutibo na ipinag-utos niya ang retraining o muling pagsasanay sa mga guro upang sa  matutunan ng mga ito ang “developments at technological advancements.”

“Kailangan turuan natin ulit. So, that’s what we will do. We will beef up that part of it,” ang winika ng Pangulo sabay sabing, “Further, the government will beef up feeding programs in school to address stunting problem in the country.”

Samantala, sa idinaos na 17th Cabinet Meeting sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Marcos na tinanggap ni Angara ang DepEd Secretary position, nakatakdang bakantehin ni Vice President Sara Duterte sa Hulyo 19, kasunod ng kanyang pagbibitiw bilang Kalihim ng DepEd. Kris Jose