Home HOME BANNER STORY ITCZ, magpapa-ulan sa Palawan, VisMin

ITCZ, magpapa-ulan sa Palawan, VisMin

1
0

MANILA, Philippines — Inaasahan ang maulap na kalangitan, mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Palawan, Visayas at Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa PAGASA nitong Sabado ng umaga.

Inaasahan din ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Bicol Region, natitirang bahagi ng MIMAROPA, Quezon at Aurora dahil sa easterlies.

Bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may isolated light rains naman ang mararanasan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa northeasterly windflow.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, inaasahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng easterlies.

Katamtamang hangin at alon ang inaasahan sa Extreme Northern Luzon. Mahina hanggang katamtamang hangin at bahagya hanggang katamtamang maalon na karagatan naman ang mararanasan sa Visayas at natitirang bahagi ng Luzon.

Sa Mindanao, mahina ang hangin at bahagyang maalon ang karagatan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here