MANILA, Philippines – Makararanas ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Ayon sa PAGASA, ang Bicol Region, Visayas, Caraga, Northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm, habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa ITCZ.
Habang ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at Central Luzon ay magkakaroon din ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan dahil sa easterlies. RNT/JGC