Home NATIONWIDE ITCZ magpapaulan sa Mindanao, Palawan

ITCZ magpapaulan sa Mindanao, Palawan

MANILA, Philippines – Asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Southern Mindanao at Palawan dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon sa PAGASA, kabilang sa mga apektadong lugar ay ang Zamboanga Peninsula, BARMM, Palawan, Sultan Kudarat, at Sarangani.

Maaaring magdulot ng pagbaha at landslide ang katamtaman at malalakas na pag-ulan dulot nito.

Maulap na panahon na may mahihinang pag-ulan naman ang mararanasan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa northeasterly wind flow.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC