Home HOME BANNER STORY Patay sa Myanmar quake, 2,056 na!

Patay sa Myanmar quake, 2,056 na!

A Buddhist monastery building that has collapsed is seen following an earthquake in Naypyitaw, Myanmar Sunday, March 30, 2025. (AP Photo/Aung Shine Oo)

MYANMAR – Umakyat na sa 2,056 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.7 na lindol na tumama sa Myanmar noong nakaraang linggo.

Ito ay kasabay ng patuloy na rescue efforts para mahanap ang mas marami pang katawan sa mga gumuhong gusali at bahay sa Myanmar.

Ayon sa military junta, bukod sa 2,056 bilang ng mga nasawi, may mahigit 3,000 katao naman ang nasaktan at 270 ang nawawala.

Kabilang sa mga nasawi ang tatlong Chinese national at dalawa naman ang French national.

Samantala, mayroon namang 19 nasawi sa Bangkok, Thailand dahil din sa lindol na nagdulot pa ng pagguho ng 30 palapag na gusali. RNT/JGC