Home HOME BANNER STORY Rider na binaril sa Antipolo road rage pumanaw na

Rider na binaril sa Antipolo road rage pumanaw na

MANILA, Philippines – Pumanaw na ang biktima sa Antipolo road-rage na matatandaang nasa intensive care unit, ayon kay Antipolo chief of police Police Lt. Col. Ryan Manongdo.

Ang biktima ay isang rider na kabilang sa apat na tinamaan ng suspek na namaril sa insidente ng road rage.

Kasama niyang nabaril ay ang dalawa iba pang rider at ang babae na napag-alamang mismong live-in partner ng suspek na aksidenteng tinamaan.

Bago ang pamamaril ay nakunan sa isang viral video na sangkot sa suntukan ang dalawang rider at ang drayber ng SUV na suspek sa pamamaril. RNT/JGC