Home NATIONWIDE Pre-accuracy tests ng 47 ACMs nakumpleto na ng Comelec

Pre-accuracy tests ng 47 ACMs nakumpleto na ng Comelec

MANILA, Philippines – Target na makumpleto ng Commission on Elections (Comelec) ang pre-election logic and accuracy test (Pre-LAT) ng 110,000 automated counting machines (ACMs) para sa 2025 election sa Abril 20, sabi ni Comelec Chaiman George Garcia.

Sinabi ni Garcia na hindi bababa sa 47,000 ACM ang sumailalim sa Pre-LAT. Inaasahan nilang matapos ang test sa lahat ng election machines sa Abril 20.

Ayon sa poll chief, nasa 47,000 mula sa 10,000 ACMs na ang nasuri ay inaasahang matatapos nila hanggang Abril 20.

Noong Lunes, pinangunahan ng Comelec ang walkthrough ng pre-LAT para sa election machines sa isa sa kanilang warehouse sa Binan, Laguna.

Sa pagsusuri, ang lahat ng mga bahagi ng ACM ay sinusuri para sa kanilang katumpakan tulad ng kanilang hardware at software.

Kabilang sa mga karaniwang isyu na kinakaharap ng mga makina ng halalan sa panahon ng pre-LAT ay ang pagtanggi sa balota dahil sa mga nasirang balota.

Samantala, sinabi ni Garcia na hindi bababa sa 16 milyon hanggang 18 milyon balota ang sasailalim sa verification.

Ayon sa Comelec, target nilang maberipika ang 1.2 milyon hanggang 1.3 milyong balota kada araw.

Natapos ng Comelec ang pag-imprenta ng68 milyong official ballots para sa midterm elections noong Marso 15, 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden