Home NATIONWIDE ITCZ magpapaulan sa S. Mindanao

ITCZ magpapaulan sa S. Mindanao

MANILA, Philippines- Magdudulot ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ng kalat na pag-ulan sa southern Mindanao ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.

Inaasahan sa Davao Region, Surigao del Sur, Sarangani, Sultan Kudarat, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.

Nakaamba sa natitirang bahagi ng Mindanao ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa ITCZ.

Magkakaroon naman ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.

Ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.

Sumikat ang araw ng alas-5:39 ng umaga at lulubog ng alas-6:11 ng hapon. RNT/SA