MANILA, Philippines – Patuloy na magdadala ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Mindanao.
Ayon sa PAGASA, ang Davao Region, Zamboanga Peninsula, BARMM, Sultan Kudarat, Lanao del Norte, at Sarangani ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa ITCZ.
Ang nalalabing bahagi naman ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain
showers o thunderstorm.
Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorm ang iiral sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa shear line.
Samantala, easterlies ang makakaapekto sa nalalabing bahagi ng bansa. RNT/JGC