Home ENTERTAINMENT Yasmien, may pakiusap sa mga bashers ni Mark!

Yasmien, may pakiusap sa mga bashers ni Mark!

Manila, Philippines – Magkakontemporaryo sa Starstruck Season 1 sina Yasmien Kurdi at Mark Herras.

Si Yasmien at Rainier Castillo ang first runners-up nina Jennylyn Mercado at Mark na tinanghal na Ultimate winners.

Hindi nakapagtataka kung to the rescue si Yasmien kay Mark who’s getting bashed for dancing at a gay bar.

Sa panayam kay Yas ay may masdihi siyang pakiusap sa mga bashers.

Panenegunda na rin ito ni Mark na walang masama sa kanyang ginawa.

Ang pagpayag na magtanghal sa gay bar ay para naman tugunan ang mga pangangailangan ng kanyang pamilya.

Dagdag naman ni Yas, malinaw daw na sa ginawa ni Mark ay wala itong niloko, tinapakan o inagrabyadong tao.

Bago rito’y naging tampulan ng katatawanan ng ilang press members si Mark.

Maging ang dating manager nitong si Lolit Solis ay “inokray” si Mark na hindi namimili ng trabahong iniaalok sa kanya.

Pati nga ang pangungutang noon ng aktor sa kanya ng P30k noon ay “isinumbat” pa ni Lolit.

Sa ginawang pagtatanggol ni Yasmien–na alaga ni Lolit–kay Mark, here’s hoping the talent manager won’t take it against the actress.

Harinawa. Ronnie Carrasco IIi