Home ENTERTAINMENT Mon, inilagay sa ataul, nilagnat!

Mon, inilagay sa ataul, nilagnat!

Manila, Philippines – Isa si Mon Confiado sa cast ng latest Viva Films movie titled Lilim sa direction ni Micheil Red at showing na sa March 12, 2025 in theaters nationwide.

Bago mag-umpisa aag grand mediacom of said movie ay naka-one-on-one interview itey ni yours truly na tipong Q&A portion and here it goes.

Q: Ilang taon ka nang nagwo-work sa ating showbiz world?

A: 32 years na po. Nakapagbida naman po ako sa ilang pelikula na rin.

Ako po ay nakagawa na ng more than 300 local films at nakagawa rin ako ng more or less mga 30 International Films. Ilan po dun ay ako ang lead actor.

Meron po akong ginawa sa Hollywood. Meron din po akong 20 acting awards at mga 30 nominations.

Isa po sa mga successful film na nagawa ko ay Heneral Luna at Goyo where I played the First President of the Philippines as Emilio Aguinaldo. At may gagawin din kaming pelikula about Manuel Quezon.

Q: Eh, di mayaman ka na ngayon?

Natawa siya bago sumagot at sa facial expression niya ay makikita mo na siya ay napaka-low profile or mapagkumbaba.

A: Yon lang po ang problema. Hanggang ngayon hindi pa rin ako mayaman.

Q: Ano ang role mo dito sa pelikulang Lilim?

A: Ako po ay isang imbestigador dito sa Lilim. Ako po ang nagso-solve ng kaso ni Heaven Peralejo. And eventually, madadamay ako sa pagpasok namin sa kumbento at dun na mag-uumpisa ang lahat ng kababalaghan sa story.

Q: Ano ang mga naranasan mo sa paggawa ng mga thriller films?

A: May mga eksena akong nagawa na ipinasok ako sa kabaong. Sabi nila bago raw yung kabaong. Pero para kasing ataul for rent yon…yun bang kirini-cremate na siyempre may amoy bangkay. So iba talaga ang feeling kapag gumawa ka ng thriller movie dahil everytime na inilalagay ako sa ataul ay nilalagnat ako. At ang gagawin ko ay magdadasal ako habang nilalagnat ako…nagdarasal ako ng taimtim. Nawawala naman yung lagnat ko kinabukasan.

Q: Ano ang masasabi mo na tipong proud na proud sa iyo ang anak mong si Princess (na katabi niya habang on going ang aming interbyuhan) na anak mo kay Ynez Veneraction?

A: Naku, yang anak kong yan ay isa sa mga inspirarasyon ko talaga sa aking pag-aartista. At mula pa noon ay talagang very very close kami. Hiwalay na kami ni Ynez. Matagal na. Around 10 years na.

Kaya pala naging mabuting ama itong si Mon Confiado sa anak nila ni Ynez ay dahil namana niya sa kanyang ama na dati rin artista na si Angel Confiado.

And he even added: “Very thankful ako sa father ko kasi sa kanya ko natutunan ang pakikisama.

“More than the talent kasi minsan, nangingibabaw rin kung paano ka makisama.

“Yung professionalism sa industriyang ito, I guess isa yon sa mga dahilan kung bakit nauulit ako, sa mga direktor ko, sa mga producer.

“Importante na ang attitude mo positive kesa sa magaling ka lang. Dapat matuto ka ring makisama.

“Very thankful ako na part ako ng Lilim with Direk Mikhail Red na pinagbibidahan ni Heaven Peralejo, Eula Valdez, Ryza Cenon at iba pa,” pagtatapos ni Mon sa aming Q&A portion.

Well, sana may natutunan ang ibang artista sa mga naging pahayag na ito ni Mon, kung bakit siya tumagal sa ating showbiz industry, boom, ganernn! Mercy Lejarde