Home ENTERTAINMENT Ivana, nag-topless; Netizens, nabulabog!

Ivana, nag-topless; Netizens, nabulabog!

Manila, Philippines- Pasabog na nakakabulabog.

Ganito maaaring ilarawan ang latest paandar ni Ivana Alawi sa social media.

Simpleng caption lang ang inilakip ng actress cum vlogger sa kanyang photo: “My fantasy!”

Makikitang nasa tila gubat siya at nakaupo sa isang picnic mat laid on the ground.

Bale nakatalikod siya but Ivana is facing the camera.

Topless kung topless siya pero makikita sa kanyang gilid ang kapiraso ng kanyang dibdib.

Nakasuot siya ng pulang T-back.

Ivana is seated on a mat na napapalibutan ng mga prutas at libro.

Mga male netizens ang binulabog ni Ivana sa kuhang ‘yon.

Ang iba’y nanghinayang dahil hindi sila isinama nito sa camping.

Samantala, katatapos lang maging house guest ni Ivana sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab edition.

Kahit maikli lang ang inilagi niya roon, PBB fans rooted for Ivana and Dustin Yu.

Kaso, nang mawala si Ivana’y ibinaling ni Dustin ang kanyang atensyon kay Bianca de Vera. Ronnie Carrasco III