Manila, Philippines- Sa interview ni MJ Felipe kay Ivana Alawi ay nagbigay na ng pahayag ang dalaga tungkol sa mga naglabasang chika na kaya pinatay ang character niya sa FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin ay dahil uma-attitude na raw siya sa shooting.
“It’s something that I’ll treasure for a long time ‘cause this is the first project na parang lumabas ako sa shell ko and I got to do a lot of things which is action, may comedy kami merong romance and you get to do that all in one project and of course, with that ‘yung tulong ni Direk Coco Martin,” sabi ni Ivana.
Dagdag chika pa ni Ivana tungkol kay Coco, “He was very hands-on at talagang inalagaan niya ko from day one and I’m very thankful also to the whole cast.
“The whole cast, the whole team, ‘yung production sobrang babait nila.”
Ayon pa kay Ivana, tatlong buwan lang sana ang itatagal niya sa Batang Quiapo.
“Unang-una, tumawag sa akin si Tita Cory (Vidanes), sina Direk Coco sabi nila may project, itong ‘Batang Quiapo.’
“This was during the time nu’ng kinasal si Lovi (Poe). So sabi ko, ‘Okay po, how long?’ kasi hindi ko kayang matagal ‘cause I have other work. I have my vlog, I have other commitments also abroad.
“Kapag papasok ako sa isang trabaho gusto ko ibibigay ko lahat. Hindi ‘yung after one month pagod na ako. Hindi eh. So, 3 months taping okay,” kuwento ni Ivana.
Hindi niya raw namalayan na na-extend na pala siya nang na-extend.
“Magwa-1 year na! So nag-click siya. So nag-catch up lahat ng commitments ko. As in nahuhuli na ako so, nagpaalam ako nang maayos sabi ko hindi na talaga kaya.”
Pagpapatuloy pa niya, “Minahal ko talaga ‘yung character kong si Bubbles, so nagpaalam ako. So walang nangyaring tinanggal ako or something like that. That’s not true.” Rommel Placente