Home NATIONWIDE 2 independent contractors ng GMA kinasuhan ni Sandro Muhlach sa DOJ

2 independent contractors ng GMA kinasuhan ni Sandro Muhlach sa DOJ

MANILA, Philippines – Isinampa sa Department of Justice (DOJ) ang reklamong rape through sexual assault laban sa dalawang “independent contractors” ng GMA-7 na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.

Personal na nagtungo sa DOJ ang mag-amang Niño at Sandro Muhlach kasama ang kanilang abogado at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) na tutulong sa kanila na magsampa ng kaso.

Kasama nila na magtungo ang dalawang testigo na magpapatunay sa ginawa umanong panghahalay kay Sandro.

Ayon kay Niño, dahil sa nangyari ay nagkaroon ng trauma ang anak at kinailangang sumailalim ng baguhang aktor sa psychological treatment.

Sinabi ng legal counsel ng mga Muhlach na si Atty. Czarina Raz na bukod sa kasong rape, sinampahan na rin nila ng multiple counts of acts of lasciviousness ang dalawang sinasabing independent contractors ng nasabing TV network.

“Ang nangayri ay naconclude na ng NBI ang kanialng imbestigasyon. So after nila nakalap ang lahat ang ebidensya, nakuha ang mga statement ng testigo, eto na, nag-coordinate din kami sa isa’t isa as lawyer si Sandro,” ani Raz.

Iginiit ni Raz na malakas ang hawak nila na ebidensya.

Nang tanungin naman si Sandro sa kanyang nararamdaman, kumpiyansa ito na mangingibabaw ang hustisya.

“No comment po. The truth will prevail,” giit no Sandro. TERESA TAVARES