Manila, Philippines- Inaasahang mismong si Ivana Alawi na rin ang gagawa ng self-damage control sa gitna ng kontrobersya linking her to Bacolod Represenative Albee Benitez.
This is far as the politician’s estranged wife Dominique or Nikki is concerned based on her complaint affidavit.
Idinawit kasi nito ang actress-vlogger as Albee’s mistress.
Kung matatandaan, as early as January 2024 pa nang pumutok ang tsismis tungkol sa dalawa.
Naiulat ng ilang social media platforms ang sighting sa kanila sa airport sa Japan.
Rumors persisted afterwards.
Nahihiya nga raw si Albee na nadamay si Ivana, short of debunking the rumors about their affair.
Nilinaw din ng pulitiko na 21 taon na silang hiwalay ni Nikki.
Ang latest, Ivana finally broke her silence.
Naitanong siya what she intends to do in dealing with the issue.
Simple’t straightforward lang ang tugon ng aktres para lalong inisin ang mga bashers niya.
“Wala akong gagawin…normal lang!
Hindi naman kasi ako guilty, so what’s the point? I’m not even bothered!” paglilinaw ni Ivana. Ronnie Carrasco III