Home HOME BANNER STORY “Iwas Paputok” Campaign inilunsad sa Human Rights Day

“Iwas Paputok” Campaign inilunsad sa Human Rights Day

MANILA, Philippine – Inilunsad ng environmental group ang kanilang taunang kampanya na layon na maiwasan ang fireworks-related injuries (FWRI) at pagsulong ng eco-friendly na pagdiriwang sa pamamagitan ng aktibidad sa Barangay Payatas sa Quezon City.

Nasa 2,000 participants kasama ang mga estudyante, guro, at magulang mula sa Payatas N Elementary School ,Barangay residents at local officials, at mga kinatawan mula sa Philippine National Police at Bureau of Fire Protection—ang nag-rally upang ipanqwagan ang “Iwas Paputok, Iwas Disgrasya, Iwas Polusyon (Avoid Firecrackers, Avoid Accidents, Avoid Pollution).”

Ang aktibidad kasabay ng pagdiriwang ng International Human Rights Day ay bilang panawagan na rin sa pagprotekta sa karapatan ng mga bata para sa kalusugan at ligtas na kapaligiran.

Ayon kay BAN Toxics Executive Director Reynaldo San Juan Jr., nagpaalala na may karapatan ang mga bata na protektahan mula sa pagkakalantad sa peligro sa kapaligiran.

Idinagdag pa na ang fireworks-related injuries ay nananatili bilang isang makabuluhang alalahanin, lalo na sa panganib sa kalusugan at kaligtasan ng mga bata.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Online National Electronic Injury Surveillance System (ONEISS), fireworks-related injuries ay mabilis na tumataas na may pagtaas ng kaso mula 123 noong 2020 hanggang 189 noong 2021, 307 noong 2022, at 609 noong 2023—na 50% pagsirit sa pagitan ng 2022 at 2023 lamang.

Nanawagan ang BAN Toxics sa mga regulatory at enforcement agencies ng gobyerno na paigtingin ang pagsubaybay at pagkumpiska sa mga ipinagbabawal na paputok na ibinebenta sa merkado upang maiwasan ang panibagong pagdami ng FWRIs ngayong taon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)