MANILA, Philippines – NASAMSAM ng NAIA-IADITG sa isang operasyon nitong Disyembre 10, 2024 sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City ang isang parsela na idineklarang mga damit pero naglalaman pala ng tinatayang 1,002 gramo ng marijuana kush na nagkakahalaga ng P1,407,800.
Ang package ay consigned sa arestadong male suspect (pansamantalang hindi pinangalanan) na nakatira sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Isang cellular phone at identification card ang kabilang sa mga kinumpiska mula suspect sa naturang operation.
Nahaharap ngayon ang arestadong suspect sa paglabag sa Section 4 of Art. II ng RA 9165 sa importation ng dangerous drugs. (Dave Baluyot)