Home NATIONWIDE Grab dinikdik sa Senado hinggil sa cancelled booking, 20% discount sa seniors,...

Grab dinikdik sa Senado hinggil sa cancelled booking, 20% discount sa seniors, PWDs

(c) Danny Querubin/Remate News Central

MANILA, Philippines – Matinding dinikdin sa Senado ang ilang isyung bumabalot sa paggamit ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) tulad ng Grab katulad ng kinakanselang booking at nabigong pagbibigay ng 20 discount sa senior citizens at persons with disability (PWDs).

Sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on public servicers, natuklasan na maraming reklamo ang natatanggap ni Senador Raffy Tulfo hinggil sa kinakanselang bookings ng ride-hailing application Grab ng drayber kahit nakapaghintay nang matagal ang pasahero.

Ayon kay Tulfo, paborable ang umiiral na mekanismo sa Grab, pero hindi sa pasahero.

“Magbu-book ang isang pasahero sa Grab sasabihin ‘Will be there in 20 minutes.’ Pagdating ng 20 minutes, papa-extend ng another 10 minutes. Na-extend. So naging 30 minutes na and then all of a sudden ika-cancel. Ba’t gan’on?” ayon kay Tulfo.

“Alisin na dapat ang multa na P50 kung magkansela ang pasahero. It should go both ways hindi one-way lamang na kayo lang puwedeng magpa-cancel… Pag-aralan niyong mabuti ‘yan it’s not fair,” dagdag niya.

Ikinatuwiran ni Grab Philippines public affairs head Gio Tingson na itinakda ang naturang multa alimsunod sa regulasyon na ipinatawa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Inamin din niya na mayroong pagkakataon na madalas nagkakansela ang drayber sa bookings.

“Nagkakaroon ng kaukulang imbestigasyon o tinitignan po yung bawat sitwasyon at titignan ‘yung reasons for cancellation. Minsan po iba-iba po siya, but ang importante po ay inire-report din po sa platform para maaksyunan po namin agad,” ani Tingson said

“May tinatawag na penalties kapag may reklamo… Graduated po siya from suspension sa platform at pag-ban…Tinatawag po sa office para i-clarify bakit ganoon ang violation na meron siya,” dagdag ni Tingson.

Ibinahagi naman ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na mayroong P5,000-multa para sa cancellation booking, pero kakaunti lamang ang nagrereklamo sa ahensiya.

“If and when a passenger gets cancelled and an appropriate complaint or we were notified, the sanction there is, on the first offense is a penalty of P5,000. The violation is refusal to convey dahil tinanggap mo ‘yung pasahero and then ayaw mo siyang dalhin sa kanyang destinasyon ” aniya saka idinagdag na, “If a complaint is filed and we have cases of this, we sanction the driver with a P5,000 penalty.”

“Mayroon na po kaming mga na-sanction, bagamat kakaunti lang po dahil kakaunti ang nagpapaabot sa LTFRB. We have to be informed first. ‘Pag nainform naman kami, may sanction po kaagad ‘yun after a show cause,” giit ng opisyal.

Iminungkahi naman ni Tulfo na maglagay ng notice sa app ng Grab hinggil sa parusa ng LTFRB upang malaman ng pasahero ang kanilang karapatan.

“Maglagay kayo dun sa inyong app ng notice na kapag nag-cancel ang driver na mayroon palang regulation sa LTFRB na sila mumultahan ng P5,000 to let the passengers know and then kung ano ‘yung kanilang rights,” ayon sa senador.

Kasabay nito, naungkat din sa pagdinig ang isyu na kinakarga ng drayber ang 20% discount sa seniors, PWDs at estudyante.

Ayon kay Saturnino Mopas, chairman at spokesperson ng TNVS Community Philippines na nagsimula ang pagkarga ng drayber sa naturng diskuwento pagpasok ng 2024.

“For the past how many years po, ang TNC (transportation network companies) po ang su-shoulder ng 20% para sa PWDs, senior, at mga student. Pero… noong taon na ito hindi ko alam kung anong buwan po ‘yun, ang nag-su-shoulder po ay mga drivers na po,” aniya.

Pero, ikinatuwiran ni Tingson ang Republic Act 10754 or the Act Expanding the Benefits and Privileges of Persons with Disability bilang basehan kung bakit ipinakakarga sa drayber ang 20% discount.

Ngunit, ipinalit namna ni Guadiz na dapat ikarga sa kompanya ang discout.

“We have an existing memorandum circular issued by the LTFRB and it gets very explicit on it. Before we award them the franchise, nandoon na po ‘yun–the 20% discount shall be shouldered by the TNC regardless whether it’s Grab or any other TNC, yan po ang batas na ipinapatupad namin sa LTFRB and we are bound by that law because before they are given the franchise, nandyan na yung memorandum circular na ‘yun,” ani Guadiz. Ernie Reyes