INAMIN ng National Economic and Development Authority (NEDA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagama’t naibaba ang taripa sa imported rice mula 35% ay naging 15% base sa Executive Order 62, nabigo naman itong maibaba ang presyo ng bigas.
“This is a puzzle also for us… perhaps this deserves a more nuanced analysis,” ang sinabi ni NEDA Director Nieva Natural sa House Murang Pagkain Supercommittee hearing.
Ipinaliwanag ni Natural na sa isang competitive market, ang pagtapyas sa taripa ay dapat na maging dahilan ng pagtaas ng rice imports, pagpapataas sa suplay at pagkatapos ay pagpapababa sa retail prices. Gayunman, ang ganitong outcome ay hindi naobserbahan.
Sa halip, sinabi nito na ang dominant market players ay ang pagpe-presyo sa mga kalakal sa itaas ng mga antas ng kompetisyon, gawin na ang retail prices halos pantay sa locally-produced rice.
“This behavior resulted in minimal price changes in both wholesale and retail markets, consistent with a non-competitive market structure,” ayon kay Natural.
Sinabi naman ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na kahit pa nabawasan ng tariff cut ang halaga ng imported rice mula P40.26 ay naging P33.93 per kilogram, nanatili namang mataas ang retail prices.
“The lower tariffs spurred a 62% increase in imported rice demand but also led to lower government revenue, which fell to P2.952 billion due to reduced tariff rates,” ayon sa ulat.
Dahil sa situwasyon, hinikayat naman ni House Ways and Means Chairperson Joey Salceda ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na i-audit ang tax payments ng mga pangunahing rice importers, pinaghihinalaan na may mga kompanya ang may malaking pakinabang mula sa tariff reduction.
Binatikos din ni Salceda ang ‘profiteering practices, binigyang diin ang ‘substantial price gap.’
Sinabi pa nito na kapag nagpatupad ang gobyerno ng rice price cap mula September hanggang October 2023, ang pagakakiba sa pagitan ng import at retail prices ay P3 kada kilogram.
Matapos bawiin ang cap, ang gap ay pinalawak sa P20 per kilogram, kahit pa bumagsak ang farmgate price.
“This is just short of supernatural. There is clearly pricing abuse—we just need to pinpoint at which stage,” ayon kay Salceda, nagmumungkahi na ang ‘large retailers at wholesalers’ ay maaaring sangkot.
Sa ngayon, ang retail price ng rice hovered ay P45 hanggang 50 kada kilo.
Samantala, sinabi naman ng Department of Agriculture na nangangailangan ito ng P50 billion kada taon para makapagbigay ng bigas na ang halaga ay P29 kada kilo. Kris Jose