Home NATIONWIDE DOJ: Pagkonekta kay Digong sa POGO, walang sapat na ebidensya

DOJ: Pagkonekta kay Digong sa POGO, walang sapat na ebidensya

MANILA, Philippines – Walang sapat na ebidensya para iugnay si dating pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa.

Sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty, batay sa imbestigasyon ng DOJ, na walang ebidensya na mag-uugnay sa dating pangulo sa POGO.

Wala aniyang sapat na patunay na may kaugnayan ang dating pangulo sa illegal POGO operations.

Magugunita na sa natapos na Senate hearing sa POGO operations, naglabas si Senator Risa Hontiveros ng matrix ng mga taong na nakinabang umano sa gambling industry.

Kabilang dito si Michael Yang na nagsilbing presidential adviser sa ilalim ng Duterte administration.

Iginiit ng DOJ na hindi sapat ang koneksyon ni Duterte kay Yang para iugnay ito sa illegal POGOs.

Magugunita na Hulyo ng ipagbawal na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.ang lahat ng POGOs sa bansa matapos masangkot ang mga ito sa mga iligal na gawain gaya nghuman trafficking, serious illegal detention at money scams.

Kumpiyansa naman angna sa pagtatapos ng taon ay wala ng POGO sa bansa gaya ng iniutos ni Marcos. Teresa Tavares