Home NATIONWIDE Walang pabigat na nakalagay sa katawan ng nasawing manlalaro ng Ateneo –...

Walang pabigat na nakalagay sa katawan ng nasawing manlalaro ng Ateneo – pulisya

2
0

MANILA, Philippines – Walang anumang pabigat na inilagay sa katawan ng Ateneo de Manila University basketball players na sina Rene Baterbonia at Divine Adili na nalunod sa Dipaculao, Aurora, ayon sa pulisya nitong Martes, Hunyo 9.

Ito ay kasunod ng kumalat na balita na mayroon umanong nakalagay na pabigat sa dalawang atleta sa umano’y team building activity sa Dipaculao.

Ipinaliwanag ni Dipaculao police chief Maj. Eduardo Mendoza Jr. na ang tinutukoy niya ay ang pagresponde ng mga tauhan ng disaster risk reduction and management office at ng pulisya sa insidente ng pagkalunod.

Sa press briefing, nauna nang sinabi ni Aurora province police chief Col. Percival Pineda na wala silang nakitang foul play sa pagkamatay ng dalawang estudyante at sinabing ang current ang humila sa mga ito palayo hanggang sa sila ay malunod.

Umapela naman si Pineda sa publiko na iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon bilang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing atleta. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here