Home NATIONWIDE Lacson nanawagan sa AFP: Maging mapagmatyag, mapanuri vs taktika ng destabilizers

Lacson nanawagan sa AFP: Maging mapagmatyag, mapanuri vs taktika ng destabilizers

2
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Martes ng gabi, Hunyo 9, sa lahat ng sandatahang lakas na manatiling mapagmatyag at mapanuri laban sa mga mapagsamantalang grupo na maaaring samantalahin ang kanilang hinaing at saloobin upang isulong ang destabilisasyon laban sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapanggap na kanilang kaalyado.

Ani Lacson, hindi niya isinasantabi ang posibilidad na ang 18 dating sundalo na dinala sa Senado noong Lunes ay maaaring magamit bilang bahagi ng mas malawak na plano upang maghasik ng kaguluhan at magpasimula ng destabilisasyon.

“Kaya parang panawagan na rin ito sa ating mga Armed Forces natin, sa Philippine National Police, maging discerning sila. Kasi kung unscrupulous yung mga tao na merong mga power-hungry, yung destabilizers na magte-take advantage sa confusion o kaya sa situation, baka may madala na mag-react sa ating armed forces,” aniya sa panayam sa DZMM.

“Hindi ko sinasabing hindi sila professional pero alam mo, in the middle of confusion, pwedeng akalain nila na kasamahan nila yung nandyan sa loob ng Senado,” dagdag niya.

Nauna nang nagbabala si Lacson na ang lumalaking frustration sa hanay ng sandatahang lakas ay maaaring magdulot ng panganib kung ito ay sasamantalahin ng mga mapagsamantala at makapangyarihang destabilizer na ginagamit ang mga pambansang usapin tulad ng mga anomalya sa flood control, implasyon, at pagtaas ng presyo ng langis.

Binanggit din ni Lacson na ang 18 dating sundalo, na unang nagsabing naghatid umano sila ng mga maleta ng salapi mula sa kickback ng mga proyekto sa flood control para sa ilang personalidad, ay nakasuot ng fatigue uniforms nang pumasok sila sa Senado noong Lunes.

Tinukoy niya ang intelligence information na ibinahagi ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag na maaaring gamitin ang 18 upang makakuha ng suporta mula sa mga miyembro ng uniformed services, lalo na’t may mga anti-government protesters na araw-araw na nagsasagawa ng mga rally sa labas ng Senado.

“Halimbawa, nag-appear yung labing walo. At sa pagsisinungaling, o kaya hindi nag-attend, eh pina-cite for contempt. At pagkatapos in-order na i-arrest. So, possibly mangyari yung may mga armed elements, not necessarily from the uniformed services, kung hindi mga sibilyan, ang manggugulo doon. At pagka nagkagulo-gulo, nagkaroon na naman ang putukan, you can just imagine the chaos at saka yung anarchy na mangyayari. At pwede mag-trigger ito,” aniya.

Sa ngayon, sinabi niyang mahirap makakuha ng simpatya mula sa sandatahang lakas ang 18, lalo na mula sa Marines, dahil hindi bababa sa 12 sa kanila ang dishonorably discharged mula sa serbisyo. Aniya, halos itinakwil na rin sila ni retired Marine Col. Ariel Querubin dahil itinuturing silang kahihiyan ng kanilang hanay.

Ani Lacson, dahil sa naturang potensyal na banta, inilagay ni Senate President Pro Tempore at acting Senate President Sherwin Gatchalian sa heightened alert ang seguridad ng Senado, kabilang ang paghihigpit sa pagpasok at paglabas ng mga senador at pagbabawal muna sa mga bisita. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here