Home NATIONWIDE Vice mayor sa Nueva Vizcaya, sinuspinde ng limang buwan

Vice mayor sa Nueva Vizcaya, sinuspinde ng limang buwan

2
0

BAGABAG, Nueva Vizcaya – Pinatawan ng limang buwang suspensyon si Vice Mayor Nestor Sevillena ng Bagabag, Nueva Vizcaya matapos siyang mapanagot sa kasong grave abuse of authority.

Batay sa 11-pahinang desisyon, habang acting mayor siya noong Agosto 2025, tinanggap niya umano ang alok ng isang pribadong indibidwal na gamitin nang libre ang pribadong lote bilang pansamantalang motorpool ng munisipyo.

Nakita umano ng Sangguniang Panlalawigan na may mga ginawang pagpapagawa at pagbili ng construction materials na nagkakahalaga ng ₱39,850 nang walang pahintulot mula sa Sangguniang Bayan.

Iginiit ng kampo ni Sevillena na walang nagamit na pampublikong pondo at para sa kapakanan ng publiko ang naging hakbangngunit hindi ito tinanggap ng lupon.

Sa botong 9-5, nanaig ang pagsuspinde kay Sevillena habang lima sa mga miyembro ng konseho ang nagsabing dapat ibasura ang nasabing reklamo.

Ang naturang reklamo ay isinampa ng ilang empleyado ng Local Government Unit o LGU Bagabag noong Oktubre 2025. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here