MANILA, Philippines – Walang maswerteng mamanaya ang nakapag-uwi ng jackpot prizes sa Ultra Lotto 6/58 at MegaLotto 6/45 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) draws nitong Biyernes, Marso 6.
Ayon sa PCSO walang nakahula ng panalong kombinasyon sa Ultra Lotto 6/58 na 37-34-13-26-06-54 at may jackpot na P79.56 milyon.
Samantala, wala ring nakakuha ng winning numbers sa MegaLotto 6/45 na 33-37-02-27-04-31 na may jackpot na P15 milyon. RNT/MND