Home NATIONWIDE Jackpot sa Grand Lotto 6/55, P209M na!

Jackpot sa Grand Lotto 6/55, P209M na!

MANILA, Philippines – Umakyat na sa P209 million ang jackpot prize sa Grand Lotto 6/55.

Ito ay makaraang walang makahula ng tamang winning combination sa draw ng PCSO nitong araw ng Pasko, Disyembre 25.

Ang winning number para sa Grand Lotto 6/55 ay 33-47-38-15-16-03 para sa jackpot prize na P202,505,000.

Wala ring nakahula ng winning number combination para sa Megalotto 6/45 na 27-28-38-24-12-33.

Ang jackpot prize para rito ay P42,977,881.60. RNT/JGC