Home METRO Jail officer nalaglagan ng ‘tobats’ sa duty, inaresto ng kabaro 

Jail officer nalaglagan ng ‘tobats’ sa duty, inaresto ng kabaro 

1
0

ORMOC CITY — Arestado ang isang jail officer matapos umanong malaglag mula sa kanyang bulsa ang isang sachet ng hinihinalang shabu habang naka-duty sa Ormoc City Jail.

Batay sa ulat ng Ormoc City Police Station 1 na iniulat ng GMA News, nangyari ang insidente noong umaga ng Agosto 25.

Nakita umano ng dalawa niyang kapwa jail officer ang sachet na nahulog mula sa kanyang bulsa. Agad nila itong kinumpiska at ini-report sa kanilang nakatataas bago inaresto ang suspek.

“Matapos nito, ini-report ang insidente sa Ormoc City Police Station 1 para sa kaukulang disposisyon,” ayon sa ulat ng pulisya.

Tinatayang 2.34 gramo ang kabuuang timbang ng nakumpiskang hinihinalang shabu na nagkakahalaga umano ng halos P16,000.

Dinala sa kustodiya ng pulisya ang jail officer para sa kaukulang proseso.

Mahaharap siya sa reklamong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 kaugnay ng pagkakumpiska ng hinihinalang ilegal na droga.

Hindi muna pinangalanan ang suspek habang nagpapatuloy ang kaukulang legal na proseso. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here