Home NATIONWIDE Social pension ng seniors, itataas sa P1K ni Bam

Social pension ng seniors, itataas sa P1K ni Bam

1
0

MANILA, Philippines – Para mas maraming senior citizens ang mabigyan ng tulong, isinusulong ni Senador Bam Aquino ang pagpapalawak ng saklaw ng Expanded Senior Citizens Act of 2010 at pagtataas sa buwanang social pension ng mga kwalipikadong senior citizens sa P1,000.

Sa ilalim ng Senate Bill No. 269 ni Aquino, bibigyan ng P1,000 buwanang social pension ang mga senior citizens na hindi tumatanggap ng social pension o tumatanggap ng pension na hindi lalampas sa P3,000.

Ayon kay Aquino, layunin nitong mabigyan sila ng regular at tiyak na pinagkukunan ng kita na maaari nilang gamitin para sa pang-araw-araw na gastusin, pangangailangang medikal, at mga emergency.

“As we grow older, it becomes more difficult to generate income. Many of our lolos and lolas face barriers to staying employed after the age of 60 due to physical limitations, age-based discrimination, or the lack of opportunities tailored to their skills,” wika ni Aquino.

“Unlike irregular or informal sources of support, a pension allows recipients to manage their resources with more certainty. This reduces stress, promotes better well-being, and allows older people to make personal choices about how their money is spent,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ng Senador na makatutulong din ang pinataas na social pension na mabawasan ang pinansiyal na pasanin sa mga pamilyang nahihirapan na sa kanilang sariling pang-araw-araw na gastusin, tulad ng pagkain, gamot, at edukasyon.

“A pension can help cover food, medicine, utility bills, or transportation costs, easing the financial pressure on younger relatives who may already be juggling their own expenses,” ani Aquino.

Ayon kay Aquino ang panukalang pagtaas ng pension ay isang paraan din para kilalanin ang naging ambag ng senior citizens sa bansa.

“Our senior citizens have broadly contributed to the development of our nation. It is time for us to return their sacrifices by ensuring that they are cared for in their old age,” diin niya.

Ang Senate Bill No. 269 ay bahagi ng 10 “Panukalang Batas para sa Abot-Kayang Pamumuhay” ni Aquino na naglalayong magbigay ng agarang ginhawa at suporta sa mga ordinaryong mamamayang nabibigatan sa mataas na presyo ng mga bilihin, mahal na serbisyong pangkalusugan, mababang sahod, at kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan.

Naghain din si Aquino ng Senate Bill No. 2386, o ang National Disability Support Act, na naglalayong magbigay sa mga kwalipikadong persons with disabilities (PWDs) ng P2,000 buwanang disability support allowance upang makatulong sa mga gastusing may kaugnayan sa kanilang kapansanan at iba pang pangunahing pangangailangan. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here